12.8.11

Saving Electricity on Air Condition Use

I saw this smart idea while watching Hanep Buhay episode - put your room aircondition on timer and set to 2-3 hours only. Then, turn your electric fan to spread out the remaining room temperature...

make sense.

9.8.11

Another recession on its way?

This month, so many things are happening in the global market -
 Looking for bailout for the countries of Spain and Portugal. Then, comes Italy which is so big for economic rescue.
August 2nd, Congress barely passed its measure to avoid debt default
Then on Friday August 5th, S&P downgraded U.S. to AA rating, Dow Jones plummeted to 530 points.
Monday, August 8th, again Dow Jones nose dived to 634 points.
What's next?
I am helplessly watching this trend since 60 percent of our retirement savings are diversified in stocks.

6.8.11

Lease Agreement in Tagalog

Below is a lease agreement my parents used to implement in their rental property. Although every detailed has been specified, Tagalog na nga. From time to time such agreements or contracts don't really materialized. Just recently na lang, my father mentioned to me a vacant room in his apartment which is only located one half km away from his residence. Natakbuhan daw po na naman siya. Thankful pa rin at wala naman daw damages o nawala sa nasabing apartment. Kaya no matter what you specified in the contracts, kahit ipa notarized mo pa, kelangan talaga bantayan mo pa rin kung hindi eh lalayasan ka!



KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA NG APARTMENT



TALASTASIN NG SINUMAN:

Ang kasunduan na ito ay ginawa nina:

_____________________________, Pilipino, may sapat na gulang at naninirahan sa may patirahang sulat sa _______________________________. Dito ay nagpapakilala ang NAGPAPAUPA.

_____________________________, may sapat na gulang, naninirahan sa may patirahang sulat sa _____________________________, ito ay makikilala na NANGUNGUPAHAN.

Ang salitang apartment o pintong inuupahan o inuupahan ay iisa ang ibig sabihin.


AY SUMAKSI:

  1. Na ang NAGPAPAUPA ay may-ari ng isang pinto ng apartment sa _______________ samantalang ang NANGUNGUPAHAN ay nag-alok na upahan niya ang nabanggit na pinto at ito namay tinanggap ng una batay sa sumusunod na kundisyon.
  2. Na ang kasunduan ay tatagal ng isang taon simula sa araw ng buwan ng paglipat.
  3. Na ang bayad sa napagkasunduang pinto ng inuupahang apartment ay ________.
  4. Ang buwanang upa ay gagawin sa pintong inuupahan at magbabayad tuwing ika ______ ng buwanang susunod.
  5. Na ang deposito sa paglipat ay halagang ___________.
  6. Na kung hindi man makapagbayad sa nasabing araw ng bayaran ang NANGUNGUPAHAN ay puputulan ng tubig.
  7. Na kung sakaling di magbayad ng upa ang NANGUNGUPAHAN sa takdang panahon ng kasunduan o di kaya ay lumabag sa kasunduan na ito, may karapatan ang NAGPAPAUPA na ipawalang saysay ang kasunduan na ito at hingin sa NANGUNGUPAHAN na lisanin o iwanan ang pintong inuupahan.
  8. Na ang lahat ng pangkaraniwang reparasyon sa pintong inuupahan na ang tanging dahilan ay ang pang araw-araw na paggamit ng NANGUNGUPAHAN ay walang karapatang singilin sa NAGPAPAUPA.
  9. Ang deposito ay di maaaring makuha kung sakaling di sila tatagal ng isang taon paninirahan sa nasabing paupahan.
  10. Na ang bilang ng pamilyang NANGUNGUPAHAN ay hanggang _____ lamang.
  11. NA ang NANGUNGUPAHAN ay pinagbabawalang gamitin itong apartment o alin mang bahagi na ito, ay di maaaring paupahan sa iba na walang nakasulat sa pahintulot ng NAGPAPAUPA.
  12. Na ang lahat ng kagamitang kailangan ng NANGUNGUPAHAN sa kanyang apartment ay kanyang sariling pananagutan.
  13. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi maaaring mag-alaga ng anumang hayup gaya ng ibon, aso, pusa, atbp. sa loob at kapaligiran ng apartment.
  14. Na ang NANGUNGUPAHAN ang siyang mananagot sa pagtupad ng mga regulasyong pinatutupad ng pamahalang local at nasyonal.
  15. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi pinapayagang gamitin ang deposito sa buwanang upa.
  16. Na hindi pinapayagan ng NAGPAPAUPA na magkaroon ng bisita ang NANGUNGUPAHAN na hihigit sa 5 araw.
  17. Na kung sakaling naisin lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan ito ay magbibigay ng abiso o pasabing isang buwan.
  18. Kung sakaling biglaan o sa hindi inaasahang pangyayari at kailangan lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan, may isang taon man o wala pa ang NANGUNGUPAHAN, siya ay walang makukuhang anuman sa NAGPAPAUPA.
  19. Na kung sakaling di makabayad, ang kasangkapan o anumang kagamitan ng NANGUNGUPAHAN ay magiging prenda sa NAGPAPAUPA.
  20. Na ang NAGPAPAUPA ay may karapatang dalawin ang nasabing paupahan mula ikawalo ng umaga hanggang ika lima ng hapon.
  21. Na kung sakaling pagkatapos ng isang taong pangungupahan ay mananatiling maayos ang relasyon ng NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN at ipagpatuloy ang pagupa sa nasabing pinto ang kasunduang ito ay babaguhin batay sa kasunduan ng dalawang panig.

Sa katunayan ng lahat ng ito, ang NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN ay lumagda ngayong ika _____ taon _____.


_____________________________                             ____________________________
NANGUNGUPAHAN                                                                        NAGPAPAUPA



SINASAKSIHAN NINA:

_____________________________                            _____________________________



PAGPAPATUNAY

REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG CAVITE
BAYAN NG BACOOR
            Ngayong ika ____ ng _______________ taong kasalukuyan ay lumagda sa harap ng mga nabanggit na tao ay ipinaalam nila sa akin na iyon ay kusang loob nilang salaysay.

            Ang kasulatang ito ay dalawang pahina kasama na rin ditto ang kinalalagyang patunay at nilagdaang ng dalawang panig gayundin ang kanilang saksi sa lahat ng pahina.

            SINAKSIHAN NG AKING LAGDA AT SELYO NOTARYAL SA LUGAR AT PETSANG BINABANGGIT SA ITAAS.








PERSONAL NA IMPORMASYON


PANGALAN: _________________________________________

TIRAHAN: _________________________________________

TELEPONO: ____________________________

KAPANGANAKAN: __________________

PANGALAN NG AMA: ___________________________________

PANGALAN NG INA: ____________________________________

HANAPBUHAY: _____________________________________

LUGAR: _____________________________

TEL: ____________________________


PANGALAN NG MGA KASAMA/ ANAK NA TITIRA:

1) _______________________________________

2) _______________________________________

3) _______________________________________



KARADAGANG IMPORMASYON:

PANGALAN: ________________________________

TIRAHAN: __________________________________

TEL: ________________________

KAUGNAYAN: ______________________